Usok na itim mula sa Sistine Chapel nitong Martes ng gabi, senyales na bigong makapili ng bagong Santo Papa ang mga cardinal sa unang araw ng conclave!
Sa libu-libong mga debotong nag-aabang sa St. Peter’s Square, walang “Habemus Papam” o white smoke na inaasahan ng buong mundo. Sa halip, itim na usok ang bumalot sa langit, hudyat ng hindi pagkakasundo ng mga cardinal electors.
Mahigpit na bantay-sarado ang Vatican, habang tahimik at seryoso ang 133 cardinal mula sa iba’t ibang bansa na abalang-abala sa pagpili ng kahalili ng yumaong si Pope Francis. Ayon sa mga source sa loob ng Vatican, matinding banggaan ang nagaganap sa loob, may mga humihirit na “fresh face” mula sa Asia o Africa, habang may ilan namang gusto ng tradisyonal na lider. | via Dann Miranda | Photo via Vatican
#D8TVNews #D8TV