Bago mapabilang sa Boxing Hall of Fame, lalaban muli si Former Senator Manny Pacquiao sa Hulyo. Ito’y matapos payagan ng Nevada State Athletic Commission at World Boxing Council (WBC) President Jose Sulaiman ang tunggalian.
Binigyan diin ni Sulaiman na ayon sa regulations ng WBC at sa stature ni Pacquiao ay maari parin itong humamon para sa world title. Kakalabanin ng pambansang kamao ang WBC Welterwight Champion na si Mario Barrios sa darating na Hulyo 19 sa Las Vegas. Binigyan linaw naman ni Sean Gibbons head ng MP Promotions, ang lahat ay magdedepende sa resulta ng eleksyon. Sinusubukan makabalik sa senado ang dating senador.
Ang huling laban ni Pacquiao ay noong 2021, natalo si pacman laban kay Yordenis Ugas at naisuko niya rito and welterweight title. Mayroong 62-8-2 Win-Loss-Draw record ang dating senador samantala ang kanyang makakalaban ay mayroong 29-2-1 record. | Dee Miranda | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV