Ilang araw bago ang halalan, nilamon ng apoy and isang Voting Center sa Bangued, Abra.
Ayon sa mga report, nagsimula ang apoy sa Dangdangla Elementary School kaninang alas-4 ng umaga. Iniimbestigahan pa ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog at kung ilan ang classrooms na nadamay sa sunog.
Ayon naman sa Commissions on Election, walang Automated Counting Machines (ACMs) ang nadamay sa sunog sa kadahilanang hindi pa ito nakakarating sa eskwelahan. Pansamantalang kinansela muna ang final testing at sealing ng ACMs, inirekomenda naman ng poll body ang paglilipat ng voting center. Mayroong halos 189,000 na rehistradong botante sa buong Abra kasama na dito ang 35,000 sa Bangued. | Dee Miranda | Photo via COMELEC | Video via Ryan S. Luna’s FB Account
#D8TVNews #D8TV