OCTA survey: 10 kandidato ng Alyansa pasok sa winning circle ng Senado

Wagi na (halos) ang mga kandidato ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, ayon sa latest survey ng OCTA Research bago ang halalan sa Mayo 12!

Nangunguna sa listahan si ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo na tied for 1st-2nd place! Kasama niya si Sen. Bong Go na di bahagi ng Alyansa pero topnotcher din sa 56.8% voter preference!

Sunod-sunod ang Alyansa bets:
• Vicente “Tito” Sotto III – 3rd to 8th
• Pia Cayetano – 3rd to 10th
• Ramon “Bong” Revilla Jr. – 3rd to 10th
• Abby Binay – 3rd to 11th
• Lito Lapid, Ping Lacson, Camille Villar, Manny Pacquiao, at Benhur Abalos – pasok pa rin sa Top 20!
Laglag lang si Francis Tolentino, nasa 13th to 22nd.

Pero babala ng OCTA: “too close to call” ang 9th to 12th spots—maaaring magbago ang lahat depende sa turnout, kampanya, at endorsements.

Sa mga independent at oposisyon, pasok din sa winning circle sina:

• Ben Tulfo, Bam Aquino, Willie Revillame, Imee Marcos, Rodante Marcoleta, at Kiko Pangilinan.

Ang survey ay isinagawa mula April 20–24 sa 1,200 respondents nationwide, may ±3% margin of error. | via Allan Ortega | Photo via OCTA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *