PBBM sa PCG: “Work is never over”, ipakita ang tapang sa pagdepensa sa karagatan ng Pilipinas

“Work is never over,” diin ni Pangulong Bongbong Marcos sa oath-taking ng mga bagong promoted na opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Malacañang. Ayon sa Pangulo, dapat silang mamuno nang may layunin at tapang, lalo na sa pagbabantay sa ating karagatan.

Binida ni Marcos ang kahalagahan ng PCG sa pagprotekta sa Kalayaan Island Group at Philippine Rise. “Hindi lang teritoryo ang binabantayan ninyo—kayo ang nagsasabi sa buong mundo kung ano ang atin,” ani PBBM.

Ipinangako niya ang mas modernong barko, teknolohiya, at benepisyo tulad ng libreng legal aid para sa mga opisyal na masasangkot sa kahit anong insidente sa oras ng pagtupad nila ng kanilang tungkulin.

Pinasalamatan din ang PCG sa mabilis na aksyon sa MT Terra Nova oil spill at patuloy na pagpapatrolya—2.7 million inspections at 3.1 million square nautical miles ang natakbo mula 2024!

Mahigit 4,500 ang narescue, 2,000 maritime incidents at halos 600 katao ang nasampahan ng kaso dahil sa ilegal na gawain. “Hindi tumatalikod ang Coast Guard,” wika ni Marcos.

Sa 130 patrol at 36 high-speed boats na ipinamigay, ipinakita ni Marcos ang buong suporta para sa PCG. “Ipaglaban natin ang atin, nang may dignidad at lakas!” | via Allan Ortega | Photo via MPC Pool

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *