Good news mga MRT-3 commuters! Sisimulan na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang paghahanda para sa libreng WiFi sa lahat ng istasyon at tren ng MRT-3!
Ayon sa DICT, pinadala na ang kanilang technical team katuwang ang Department of Transportation (DOTr) para umpisahan ang groundwork ng proyekto sa ilalim ng Free WiFi for All Program — bahagi ng “Bagong Pilipinas” ni Pangulong Bongbong Marcos.
Target ng proyekto na bigyan ng libreng internet access ang libo-libong pasahero araw-araw. Para ito sa mga estudyanteng kailangang mag-aral, riders na kailangang mag-update, o manggagawang gumagamit ng online services habang nasa biyahe.
May Memorandum of Agreement na rin sa proseso para bilisan ang implementasyon. Dagdag pa ni DICT Sec. Henry Aguda, kasama rin sa plano ang cashless payments at mas pinaigting na seguridad sa MRT-3.
Unang rollout: WiFi sa mga istasyon. Sunod na target: kahit habang nasa loob ng tren, may internet ka pa rin! | via Lorencris Siarez | Photo via PNA/Robert Oswald Alfiler
#D8TVNews #D8TV