Nakalabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Low Pressure Area (LPA) sa hilaga ng Kalayaan, Palawan, ayon sa PAGASA ngayong Martes ng umaga. Wala na itong epekto sa bansa, sabi ni forecaster Chenel Dominguez.
Easterlies ang bagong pasimuno ng ulan at kulog sa Eastern Visayas, Caraga, at Davao Region. Banta pa ng flash floods at landslides sa mga lugar na yan! Sa ibang bahagi ng bansa, asahan ang panaka-nakang pag-ulan.
Ang Heat index sa ISU Echague, Isabela sumirit sa 45°C, habang 44°C naman sa Tuguegarao, Cavite City, at Daet. 43°C sa NAIA, Quezon City, Pangasinan, Batangas, at Zamboanga at 42°C naman sa halos buong bansa mula Aparri hanggang Davao.
Paalala ng PAGASA, delikado ang masyadong pagbababad sa matinding init ng araw posibleng magdulot ito ng heat stroke, heat exhaustion, at cramps. Ugaliing uminom ng maraming tubig. | via Lorencris Siarez | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV