Naglabas ng matinding pahayag si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Lunes kaugnay ng sunod-sunod na aksidente sa SCTEX at NAIA Terminal 1 na ikinasawi ng 12 katao, kabilang ang isang bata.
Sa kanyang video message, sinabi ni Marcos: “Hindi dapat nangyari ito. Kailangan ng pagbabago. Kailangang managot ang dapat managot.”
Agad niyang inatasan si DOTr Secretary Vince Dizon na kumilos para tukuyin at papanagutin ang mga may sala.
Kasama sa mga planong reporma:
• Mahigpit na pagsusuri sa sistema ng pag-isyu ng lisensya
• Nationwide audit sa mga bus operator para masigurong sumusunod sa safety standards
• Utos sa DOLE para silipin ang mapang-abusong sistema sa transport sector na nagdudulot ng pagod at disgrasya
“Hindi sapat ang simpatiya— kailangan ng agarang aksyon. Hindi dapat masayang ang buhay na nawala,” giit ng Pangulo. | via Allan Ortega | Photo via PND
#D8TVNews #D8TV