Dalawang weather system ang magdadala ng ulan sa ilang bahagi ng bansa ngayong Lunes, ayon sa PAGASA.
Ayon sa 5 a.m. bulletin, isang low pressure area (LPA) na nasa 460 km kanluran ng Coron, Palawan ang magdudulot ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa MIMAROPA, Bicol Region, Batangas, at Quezon. Mabuting balita, maliit ang tsansa nitong maging bagyo at maaaring tuluyang mawala o lumabas na sa Philippine Area of Responsibility.
Samantala, bahagyang maulap hanggang maulap ang kalangitan na may panaka-nakang ulan o thunderstorm sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.
INIT ALERT!
Labinlimang lugar ang makararanas ng “danger level” heat index! Nangunguna ang Infanta, Quezon na aabot sa 45°C ang init. Kasama rin sa maiinit ang NAIA (Pasay), Laoag, Dagupan, Tuguegarao, Zambales, Cavite, at iba pa na may heat index na 42°C hanggang 44°C.
Babala ng PAGASA: Iwasang magbabad sa init! Peligro ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke ay mataas kapag lumagpas sa 42°C ang nararamdamang init. | via Allan Ortega | Photo via PNA file photo by Joan Bondoc
#D8TVNews #D8TV