PUV drivers, obligadong sumailalim sa drug test kada 90 araw

Maglalabas ng bagong kautusan ang Department of Transportation (DOTr) matapos ang sunud-sunod na aksidente sa kalsada.

Sa isang press conference, sinabi ni DOTr Secretary Vince Dizon, lalagdaan niya ngayong araw ang department order para sa agarang pagpapatupad nito.

Batay sa ilalabas na kautusan, ang mga PUV driver na sasailalim sa mandatory drug test kada 90 araw, lilimitahan ang pagmamaneho ng driver sa apat na oras at paiigtingin pa ang driver’s education.

Ipatutupad ang kautusan kasunod ng pagtanggi sa drug test ng bus driver ng Solid North na sangkot sa karambola ng ilang sasakyan sa SCTEX noong May 1 na ikinasawi ng 10 indibidwal at pag-araro ng isang SUV sa departure area ng NAIA Terminal 1 na ikinasawi naman ng dalawang indibidwal kahapon, May 4. | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *