Nagbabanta ang sama ng panahon sa Visayas at Mindanao dahil sa Low Pressure Area (LPA) at Intertropical Convergence Zone (ITCZ), ayon sa PAGASA ngayong Biyernes. Ang LPA ay nasa 440 km silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, at bagamat mababa ang tsansang maging bagyo, magdudulot ito ng kalat-kalat na ulan at thunderstorms sa Eastern at Central Visayas, Northern Mindanao, Caraga, Davao Region, at ilang bahagi ng Bicol Region.
Posibleng magdulot ng pagbaha at landslide ang katamtaman hanggang malakas na ulan. Samantala, ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas ng panaka-nakang ulan dahil sa easterlies.
Mahigit 20 lugar naman ang nasa peligro dahil sa matinding init. Pinakamataas sa Infanta, Quezon (45°C), Iba, Zambales at Ambulong, Batangas (44°C). Dagupan, Subic, Cavite, Bulacan, at iba pa ay aabot sa 43°C. Ilocos, Cagayan Valley, Bicol, Palawan, Mindoro, at Butuan, naka-alerto rin sa 42°C.
Paalala ng PAGASA kapag umabot sa 42°C pataas, delikado na ito at posibleng magka-heat stroke, cramps, at exhaustion, kaya iwasang magbabad o magbilad sa matinding init ng araw. | via Lorencris Siarez | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV