Hinimok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang muling pagrepaso sa Republic Act 10912 o ang Continuing Professional Development (CPD) Act of 2016 na nag-aatas sa mga propesyonal na kumuha ng training para makarenew ng lisensya.
Sa pagdiriwang ng 123rd Labor Day sa SMX Convention Center, Pasay, sinabi ni Marcos na alam niya ang hirap ng mga propesyonal sa pagkuha ng mga seminar at gastusin para lang makapag-renew ng ID. “Mahirap na nga ang maghanapbuhay, pahihirapan pa ba natin ang mga naghahanapbuhay?” tanong ng Pangulo.
Dagdag niya, hindi dapat pahirapan ang mga propesyonal kundi bigyan sila ng patas na tsansa na umangat sa karera nila. Kaya ipinapanukala niyang rebisahin ang CPD Law para mas makatulong ito sa kaunlaran at hindi maging pabigat.
Inatasan din niya ang Professional Regulation Commission (PRC) at CPD Council na silipin ang kasalukuyang patakaran lalo na sa mga OFW at non-accredited trainings.
“Sang-ayon ako sa patuloy na pag-aaral, pero dapat makatarungan at abot-kaya ito,” giit ng Pangulo. | via Allan Ortega | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV