Sa pagdiriwang ng Labor Day, nangakong muli si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gagawin ng gobyerno ang lahat para protektahan at itaguyod ang karapatan at kapakanan ng manggagawang Pilipino.
Aniya, “Panahon na para gumawa ng konkretong aksyon para sa kaligtasan sa trabaho, pangangailangan ng pamilya, at karapatang umasenso!” Pinuri ni PBBM ang walang sawang sakripisyo ng mga manggagawa at tinawag silang haligi ng bagong Pilipinas.
Dagdag pa niya, ang trabaho ay hindi lang para sa sarili kundi malaking ambag sa kasaysayan ng bayan. “Kada pawis ng manggagawa, may handog na diwa para sa ikabubuti ng nakararami,” aniya.
Tiniyak din ng Pangulo ang tuloy-tuloy na suporta at proyekto para sa kaunlaran ng mga manggagawa. “Hindi lang ito tungkulin, kundi taos-pusong pasasalamat,” giit ni Marcos.
Paalala pa niya: “Ang tunay na yaman ng bansa ay nasusukat sa dangal ng taong nagsusumikap, hindi lang sa kita.”
Isang makabuluhan at mapayapang Araw ng Paggawa sa lahat! | via Allan Ortega | Photo via PNA/Joan Bondoc
#D8TVNews #D8TV