Maghanda na, mga miyembro ng Pag-IBIG! Simula Mayo 16, pwede nang umutang ng hanggang 90% ng inyong ipon sa bagong bersyon ng Multi-Purpose Loan (MPL) — mas mataas kumpara sa dating 80%!
Bukod pa riyan, 12 buwan na lang ang kailangang hulog para maging qualified, mula sa dating 24 buwan.
Sakop din ng upgrades ang Health, Education, at Calamity Loans, kaya mas madali na ring umutang para sa pangkalusugan, edukasyon, o emergency.
May bagong 1-year repayment term din para sa mas flexible na bayaran, bukod sa 2 at 3 year options. Sa kabila ng lahat ng ito, nananatiling mababa ang interest rate — 1.4583% kada buwan!
Pwede pa ring magdagdag ng loan kahit may existing pa — dagdag pondo, walang sabit! Sa 2024, P70.3B na ang naipamahagi sa mahigit 3.2M miyembro. Target naman sa 2025: P95.3B para sa 3.6M Pinoy!
Ayon kay Sec. Jose Rizalino Acuzar: “Mas malaki, mas mabilis, mas abot-kaya — ‘yan ang bagong MPL!”
Para sa pang-tuition, pang-negosyo, o panggastos, hindi ka bibiguin ng Pag-IBIG! | via Allan Ortega | Photo via philippinesgraphic.com.ph
#D8TVNews #D8TV