Magpapa-imbestiga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban sa PrimeWater Infrastructure Corporation na pag-aari ng pamilya Villar, dahil sa sumbong ng mga konsumer ukol sa madalas na aberya at sobrang taas na singil sa tubig.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, “Walang puwang ang palpak na serbisyo sa administrasyon ni Pangulong Marcos!” Dagdag pa niya, may direktiba na si PBBM na silipin ang operasyon ng PrimeWater.
Uminit ang isyu matapos ireklamo ng mga opisyal sa Bulacan ang matagal nang problema sa supply ng tubig at serbisyo ng PrimeWater. Marami sa mga residente ang galit na galit na dahil sa kakulangan sa malinis na tubig.
Binigyang-diin din ng Palasyo na ang tubig ay hindi dapat negosyo lang, kundi serbisyo para sa publiko. “Ang tubig ay karapatan, hindi negosyo,” sabi pa ni Castro.
Samantala, nang tanungin kung may kumpiyansa pa ang Malacañang kay Las Piñas Rep. Camille Villar (na konektado sa PrimeWater) na tumatakbong senador, sinabi ni Castro: “Depende sa performance niya. Kailangan niyang patunayan ang kakayahan bilang lider.” | via Allan Ortega | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV