Nagkasundo ang Pilipinas at Japan na simulan ang negosasyon para sa isang Acquisition and Cross-Servicing Agreement (ACSA) — isang kasunduang militar na magpapahintulot ng palitan ng suporta gaya ng pagkain, gasolina, medikal, at transportasyon sa mga joint training at misyon!
Ibinunyag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at bisitang Japanese Prime Minister Ishiba Shigeru sa Malacañang nitong Martes.
Ang ACSA ay bahagi ng mas malawak na layunin ng dalawang bansa na palalimin ang kanilang strategic partnership, lalo na sa gitna ng tumitinding tensyon sa South China Sea. Kasunod ito ng Reciprocal Access Agreement na pinirmahan noong Hulyo na nagbibigay-daan sa pag-deploy ng tropa sa isa’t isa.
Dagdag pa ni Marcos, ang Pilipinas ang kauna-unahang tumanggap ng tulong mula sa Japan sa ilalim ng Official Security Assistance (OSA) — isang bagong programang nagpapalakas sa kakayahan ng mga bansang kaalyado.
Sa pahayag ni PM Ishiba, napagkasunduan din na magsimula ng usapan para sa isang kasunduan sa seguridad ng impormasyon.
Pahayag ni PBBM: “Ito’y hakbang para sa isang makabuluhang kinabukasan. Ang Japan ay katuwang natin sa pagsusulong ng kapayapaan at demokrasya.” | via Allan Ortega | Photo via RTVM Screengrab
#D8TVNews #D8TV