Puspusan ang Department of Education (DepEd) sa pagyakap sa digital innovation at artificial intelligence (AI) para matiyak na walang batang naiiwan, lalo na ang mga may kapansanan! Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, layunin nilang gawing mas accessible ang edukasyon sa pamamagitan ng teknolohiya — mula sa pagtuturo, pagpaplano ng resources, hanggang sa inclusive na serbisyo.
Bahagi ng plano ang pag-convert ng mga Special Education (SPED) Centers sa Inclusive Learning Resource Centers (ILRCs), pati na ang pagtatayo ng virtual at satellite ILRCs! Hindi lang ‘yan — may upgrade din sa alternative learning systems (ALS) at paggamit ng assistive tech at AI.
Ipinagmamalaki rin ng DepEd-Education Center for AI Research (ECAIR) ang paparating na SABAY Project (Screening using AI-Based Assistance for Young Children) para maagang matukoy ang mga batang nangangailangan ng espesyal na suporta.
“Sa pamamagitan ng SABAY, sinisiguro natin na walang batang Pilipino ang mapag-iiwanan!” ayon kay Angara.
Katuwang ng DepEd sa proyektong ito ang iba pang ahensya ng gobyerno gaya ng DOH, DSWD, DPWH, DILG, DOF, DOLE, NCDA, TESDA, ECCD, CHED, at PRC. | via Lorencris Siarez | Photo via PNA / Yancy Lim
#D8TVNews #D8TV