Nakakuha si Marcos ng majority trust, approval rating sa April survey – OCTA

Kahit bahagyang bumaba, nananatiling mataas ang tiwala at approval rating ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ayon sa pinakabagong Tugon ng Masa survey ng OCTA Research.

Sa survey mula April 2–5, lumabas na 60% ng mga Pilipino ay nagtitiwala kay Marcos, habang 59% naman ang satisfied sa kanyang trabaho. Bumaba man ng 5 puntos sa tiwala at 4 puntos sa satisfaction mula November 2024, sinabi ng OCTA: “Patuloy pa rin ang tiwala at suporta ng nakararaming Pilipino kay PBBM.”

Pinakamalakas ang suporta niya sa Ilocos (92%), Cordillera (87%), at Cagayan Valley (83%). Samantalang bumaba ang ratings niya sa Mindanao, na teritoryo ni dating Pangulong Duterte.

Pinakamataas din ang tiwala kay Marcos sa pinakamahirap na sektor ng lipunan (Class E), kung saan 66% ang positibong tumugon.

Mas mataas ang ratings ni Marcos kumpara kina Senate President Chiz Escudero, House Speaker Martin Romualdez, at Chief Justice Alexander Gesmundo.

Ang survey ay isinagawa sa 1,200 respondents at may ±3% margin of error. | via Allan Ortega | Photo via Bongbong Marcos Vlog/YouTube Screengrab

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *