Habang masaya ang mga Pinoy sa Lapu-Lapu Day Festival, biglang naganap ang karumal-dumal na insidente, isang sasakyan ang sumagasa sa mga nagdiriwang! Labing-isa ang patay, marami ang sugatan mula bata hanggang matatanda!
Agad na naaresto ang 30-anyos na suspek na si Kai-Ji Adam Lo, na may history pala ng mental health issues. Hindi raw terorismo ang motibo, ayon sa pulisya.
Nagpadala ng pakikiramay si King Charles III, habang si PBBM naman ay nangakong tutulungan ang mga biktima.
Ang Lapu-Lapu Day na sana’y puno ng saya, nauwi sa matinding pagdadalamhati. | via Allan Ortega | Photo via Andrew Chin / Getty Images North America via AFP
#D8TVNews #D8TV