Isang matinding 24-minutong phreatic eruption ang yumanig sa Bulusan Volcano alas-4:36 ng madaling-araw, Lunes, kaya agad itinaas ng mga awtoridad ang alert level mula 0 (normal) sa Level 1 (mababang pag-aalboroto).
Umabot sa 4,500 metro ang abo at usok na pumailanlang sa himpapawid at kumalat pa-kanluran at timog-kanluran. Bumagsak ang abo sa mga barangay ng Cogon at Bolos sa Irosin, at sa Puting Sapa, Guruyan, Buraburan, at Tulatula Sur sa Juban, Sorsogon.
Nagpakawala rin ng pyroclastic density current (PDC) sa timog-kanlurang bahagi ng bulkan, na umabot hanggang 3 kilometro mula sa bunganga. Ayon sa PHIVOLCS, bago pa ang pagsabog, nakapagtala na ng 53 volcanic earthquakes at nakarinig ng malalakas na dagundong.
Babala: Bawal pumasok sa loob ng 4-km Permanent Danger Zone! Mag-ingat din sa 2-km Extended Danger Zone sa southeast area. Gumamit ng face mask o basang tela laban sa paglanghap ng abo.
Paalala sa mga piloto: Iwasan ang paglipad malapit sa tuktok ng bulkan!
Tuloy-tuloy ang pagbabantay dahil maaaring magdulot ng lahar at sediment-laden flows lalo na kapag bumuhos ang malakas na ulan. | via Allan Ortega | Photo via PHIVOLCS
#D8TVNews #D8TV