Sinagot ni PBBM ang bayarin sa ospital ni Nora Aunor

Kinumpirma ng Malacañang nitong Linggo na hindi ang PCSO kundi si Marcos at ang Office of the President ang sumagot sa gastusin ng Superstar.

Ayon kay PCO Senior Usec. Ana Puod, hindi na nila idinetalye kung magkano ang binigay ng Pangulo.
Pumanaw si Aunor, o Nora Villamayor sa tunay na buhay, noong April 16 sa edad na 71 dahil sa acute respiratory failure matapos sumailalim sa angioplasty.

Bumida siya sa 170 pelikula at kinilala sa loob at labas ng bansa. Pinarangalan siya bilang National Artist noong 2022.

Kasama sina Pilita Corrales, Gloria Romero, at Margarita Fores, pagkakalooban siya ng Presidential Medal of Merit sa Malacañang sa Mayo 4. | via Lorencris Siarez | Photo via PNA / Joan Bondoc

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *