Driver’s license at vehicle plate, ihahatid na sa bahay

Pagod ka na ba sa mahabang pila at matagal na hintayan para makuha ang lisensya o plaka na binayaran mo na? Good news! Simula na ang bagong serbisyo ng Land Transportation Office (LTO) — door-to-door delivery ng driver’s license at motor vehicle plates gamit ang bagong online system na tinawag na “LTO Tracker.”

Sa pamamagitan ng ltotracker.com, pwedeng i-track real time ang status ng iyong lisensya o plaka, mag-update ng delivery details, at magpa-deliver diretso sa bahay via accredited courier! Bawal lang gamitin ng mga dayuhan — para sa kanila, postal service pa rin ang gamit.

Ayon kay Transportation Secretary Vivencio Dizon, malaking hakbang ito para sa full digitalization ng serbisyo ng gobyerno. May opsyon pa rin para sa mga gustong personal na kumuha. Sabi naman ni LTO Chief Vigor Mendoza II, layunin nitong solusyonan ang backlog ng plaka na nagsimula pa noong 2014.
Para mas mabilis ang delivery, 9 courier companies ang kinontrata — kahit sa malalayong lugar, kayang maghatid! Target ng programang ito: bawasan ang abala, i-restore ang tiwala sa LTO, at gawing moderno ang serbisyo para sa bawat Pilipino. | via Allan Ortega | Photo via msn

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *