Opisyal ng CBCP: Sa halip na i-promote, ipagdasal si Tagle at ang mga cardinal electors

Matapos ang pagpanaw ni Pope Francis sa edad na 88 dahil sa stroke, marami ang nagtutulak na si Cardinal Luis Antonio Tagle ang maging susunod na Santo Papa. Pero ayon kay Fr. Jerome Secillano ng CBCP, hindi raw ito tamang hakbang!

Aniya, dapat igalang ang kalayaan ng mga cardinal sa pagpili ng bagong Papa. Binalaan niya ang publiko na huwag manghimasok dahil baka isipin ng iba na naiimpluwensyahan ang conclave. “Walang kampanya, walang tarp, at walang ayuda sa pagpili ng Papa!” biro pa ni CBCP President Bishop Pablo David.

Tatlo ang Pilipinong cardinal na may boto sa conclave: sina Tagle, Bishop David, at Archbishop Jose Advincula ng Maynila. Si Tagle ay isa sa mga popular na pangalan, pero giit ni David: “Walang kandidato sa conclave, Diyos ang magtatalaga!” | via Allan Ortega | Photo via MSN

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *