Nanawagan si Rizal 4th District Representative Fidel Nograles na dagdagan ng gobyerno ang manpower para mas maging epektibo ang mga reforestation programs ng bansa. Giit niya, kailangan ng sapat na tao at suporta para maayos na maipatupad at mapanatili ang mga proyekto sa pagtatanim ng puno.
Tinukoy ni Nograles ang kabiguan ng ilang nakaraang programa gaya ng National Greening Program, na ayon sa 2019 COA report ay 12% lang ang target na naabot— dahil sa kakulangan sa site assessments at mababang survival rate ng mga punla.
Sa harap ng patuloy na banta ng deforestation at climate change, giit ni Nograles: “Kailangan natin ng mas maraming kamay para magtagumpay ang reforestation.” Paniwala niya, dapat mas aktibong isali ang mga lokal na komunidad sa pangangalaga ng kagubatan. Sa ganitong paraan, mas may malasakit ang mga residente sa mga itinanim at mas tatagal ang epekto ng proyekto. | via Dann Miranda | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV