Handa na ang mga kinauukulan sa Negros Oriental na tiyakin ang tuloy-tuloy na halalan kahit sa mga malalayong lugar. Ayon sa Negros Oriental II Electric Cooperative (Noreco II), gagamitin ang solar power para masigurong may kuryente ang mga paaralang walang koneksyon sa grid.
Kasama sa mga paaralang bibigyan ng solar energy ay ang mga nasa Apo Island (Dauin), bundok ng Sta. Catalina, Siaton, Bayawan, at Tanjay City. Ang inisyatibo ay bahagi ng programang “last-mile schools” ng DepEd at National Electrification Administration.
Bukod dito, maglalagay din ng backup power systems ang Noreco I sa kanilang nasasakupan, kabilang ang Dumaguete City, para suportahan ang final testing at sealing ng automated counting machines simula Mayo 6. Layunin ng proyekto na gawing maayos, ligtas, at tapat ang halalan kahit sa pinakamalalayong lugar. | via Dann Miranda | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV