ITCZ makakaapekto sa ilang bahagi ng Mindanao

Nagbabala ang PAGASA na makakaranas ng mga pag-ulan ang ilang bahagi ng Timog Mindanao, dulot ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ). Kabilang sa mga apektadong lugar ang Davao Oriental, Davao Occidental, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur, Sulu, Basilan, at Tawi-Tawi.

Samantala, inaasahan ang mainit at maalinsangang panahon sa Luzon, Visayas, at natitirang bahagi ng Mindanao dahil sa easterlies. Posible rin ang mga panandaliang pag-ulan o thunderstorm sa hapon o gabi.

Pinapayuhan ang publiko na mag-ingat sa posibleng flash flood at landslide sa mga apektadong lugar, at manatiling hydrated at umiwas sa matagal na pagkakabilad sa araw. | via Dann Miranda | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *