MMDA Cup Season 2 Binuksan ng Executive League

Nagpakitang-gilas sa palakasan ang mga opisyal mula sa iba’t ibang ahensya ng pambansang gobyerno at lokal na pamahalaan sa Metro Manila sa pagbubukas ng MMDA Cup 2025 – Executive League sa PhilSports Arena, Pasig City.


Layunin ng paligsahan na palakasin ang pagkakaibigan at samahan ng mga kawani ng gobyerno sa pamamagitan ng mga kumpetisyon sa basketball (kalalakihan), badminton (doblehan para sa kalalakihan, kababaihan, at halo-halong grupo), at bowling (halo-halo).


Pinangunahan ni MMDA Chairman Atty. Don Artes ang pagbubukas ng torneo na sinimulan ng parada ng mga koponan. Itinanghal namang Best Muse si Erika Cassandra Ballon ng Pasig City.
Ayon kay Artes, layunin ng liga na isulong ang malusog na pamumuhay at mapanatili ang sportsmanship sa hanay ng mga opisyal. “Madalas silang abala at nai-stress sa trabaho, kaya ito’y paraan para mapangalagaan ang kanilang kalusugan,” aniya.


Magaganap ang mga laro tuwing weekend upang hindi maantala ang serbisyo ng mga opisyal. Hinikayat din ni Coach Pido Jarencio ang mga pamilya na manood ng mga laban na mapapanood nang live sa MMDA Cup Facebook page. – Allan Ortega / photo: MMDA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *