Tatlong residente ng Iloilo City ang nasawi sa heat stroke noong April 16 hanggang 21, ayon sa City Health Office (CHO). Sa kabuuan, walong kaso ang naitala, anim sa mga ito ay isinugod sa ospital. Kabilang sa mga biktima ang isang bata at matatanda, habang ang pinakamataas na heat index na naitala ay 47°C.
Nagbabala ang CHO na ang matinding init ay nasa “danger level” na, kung saan mataas ang posibilidad ng heat stroke. Pinayuhan ang publiko na iwasan ang aktibidad sa labas tuwing 10 a.m. hanggang 4 p.m., uminom ng maraming tubig, at magsuot ng magaang damit.
Pinaalalahanan din ang mga residente na agad magpakonsulta kung makaranas ng sintomas gaya ng pagkahilo, mabilis na tibok ng puso, o sobrang init ng katawan. Patuloy ang monitoring ng CHO at CDRRMO para maiwasan pa ang karagdagang insidente. | via Dann Miranda | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV