Kumpirmado mula sa Malacañang: Gagawaran ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Presidential Medal of Merit ang apat na haligi ng sining at kultura ng Pilipinas—posthumously o matapos ang kanilang pagpanaw.
Sila ay sina Nora Aunor – Superstar at Pambansang Alagad ng Sining sa Pelikula, tanyag sa mga klasikong “Himala” at “Tatlong Taong Walang Diyos”— yumao noong April 16. Binisita pa ni Marcos Jr. ang kanyang burol para magbigay galang. Pilita Corrales – Asia’s Queen of Songs, nagbigay daan sa mga Pinoy artist sa international stage. Pumanaw noong April 12. Gloria Romero – Matriarka ng pelikulang Pilipino mula dekada ’50. Yumao noong January 25. Margarita Fores – Internationally renowned chef na nagpasikat ng pagkaing Pinoy sa buong mundo at tinanghal na Asia’s Best Female Chef noong 2016— pumanaw noong February 11.
Ang parangal ay gaganapin sa Malacañang sa May 4. Ang Presidential Medal of Merit ay ibinibigay sa mga Pilipinong nagbigay ng malaking karangalan sa bansa sa kanilang larangan. Isang araw ng pagkilala, para sa mga tunay na alamat ng kulturang Pilipino! | via Allan Ortega | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV
