WPS tag sa Google Maps ay nagpapatibay sa sovereign rights ng Pilipinas – Palasyo

Todo ang saya sa Malacañang matapos makita ang label na “West Philippine Sea” sa Google Maps, isang hakbang na kinilalang tagumpay para sa soberanya ng Pilipinas!

Sa press briefing noong Lunes, sinabi ni Press Communications Office Undersecretary Claire Castro na malaking karangalan ito para sa mga Pilipino, lalo na’t patuloy ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa usapin ng teritoryo sa karagatan.

“Masayang-masaya kami! Hindi lang ito para sa gobyerno, kundi para sa buong bayan,” ani Castro. Aniya, patunay ito na kinikilala ng mundo ang karapatan ng Pilipinas sa exclusive economic zone (EEZ) nito sa South China Sea.

Matatandaang pinanigan ng 2016 arbitral ruling ang Pilipinas laban sa malawakang pag-angkin ng China sa nasabing dagat. Ngayon, binigyang-diin ni Castro na kahit maraming kumukuwestiyon sa “West Philippine Sea,” ang paglabas nito sa Google Maps ay isang malaking tagumpay at dahilan ng pagmamalaki. | via Lorencris Siarez | Photo via Google Maps screengrab

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *