Maglulunsad ang DepEd ng mga summer learning program para pataasin ang antas ng pagbabasa at pagsusulat ng mga estudyante

Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) nitong Martes na maglulunsad sila ng apat na summer learning programs sa Mayo para tulungan ang mga estudyanteng hirap sa pagbasa at mga batayang kaalaman! Ang mga programang ito ay Bawat Bata Makababasa Program (BBMP), Literacy Remediation Program (LRP), Summer Academic Remedial Program at Learning Camp (LC).

Ayon kay Edukasyon Secretary Sonny Angara, ay para “buong-pusong ayusin ang pundasyon ng pagkatuto isang mambabasa sa bawat pagkakataon!”

BBMP Pilot Test sa Zamboanga Peninsula:
Target: 75,000 estudyante sa Grades 1 to 3 na nahihirapan sa pagbasa
7,500 teachers at volunteer tutors
May 8 to June 6, 2025
May libreng tutorial, snacks, at vision screening pa!

LRP Nationwide Push:
Target: 59,627 Grade 3 students na “Low Emerging Readers”
2-oras kada araw mula May 13 to June 6
14,023 trained teachers + may service credits at daily meal allowance!

Panawagan ni Angara: “Tulungan nyo kami sa misyon na ito. Lahat ng batang Pilipino may karapatang matutong magbasa at magtagumpay!” | via Lorencris Siarez | Photo via assistance.ph

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *