Buffer Stock ng NFA kayang mapakain ang buong bansa sa 9 na araw

Umabot na sa 7.17 milyong sako ng bigas ang buffer stock ng National Food Authority (NFA) sapat para pakainin ang buong bansa sa loob ng siyam na araw, ayon kay NFA Administrator Larry Lacson.

Dahil sa mas mataas na buying price ng palay (₱24–₱27/kilo), lumaki ang suplay ng NFA. Tiniyak din ni Lacson na may pondo pa ang ahensya para bumili ng dagdag na 500,000 metric ton ng palay. Ayon sa batas, kailangan ngayon ng 15-araw na buffer stock na galing lang sa lokal na ani. Kasalukuyang inaayos ng NFA ang mga bodega para tumanggap ng mas maraming supply.

Bagama’t bawal na sa NFA ang direktang bentahan sa publiko, puwede pa rin ibenta ang “aging stocks.” Tinitiyak naman ng DA na ang reserbang ito ay magagamit para tulungan ang mga mahihirap sa mas mababang presyo ng bigas. | via Dann Miranda | Photo via Department of Agriculture

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *