OPM Legend Hajji Alejandro, Pumanaw na sa Edad 70

Nalungkot ang buong showbiz industry sa pagpanaw ni Kilabot ng Kolehiyala, Hajji Alejandro, 70 anyos, dahil sa komplikasyon ng stage 4 colon cancer, kinumpirma ito ng kanyang pamilya.

Sa pahayag ng long-time family friend na si Girlie Rodis, sinabi nilang “lubos ang aming dalamhati sa pagkawala ng aming mahal na ama at anak.” Humihiling sila ng pribadong oras habang nagluluksa.
Iniwan niya ang dalawang anak— singer-actress Rachel Alejandro at Mojofly drummer Ali Diaz Alejandro (a.k.a. Chef Barni). Sa isang tribute sa IG, kinanta ni Ali ang “Ang Lahat ng Ito’y Para Sa’yo” para sa kanyang “Daddywaps.”

Noong March 2024, isiniwalat ng longtime partner na si Alynna Velasquez ang laban ni Hajji sa cancer. Inamin din niyang nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng pamilya ng singer sa pagbunyag niya ng kondisyon nito.

Pumanaw si Hajji kasunod ng pagkamatay nina Nora Aunor at Pilita Corrales— isang mabigat na linggo para sa OPM.

Si Hajji ay naging simbolo ng 70s heartthrob at nagmarka sa OPM scene sa loob ng mahigit apat na dekada. Ilan sa kanyang timeless hits ay: “Kay Ganda ng Ating Musika,” “Nakapagtataka,” at “May Minamahal.”

Ang kanyang iniwang pamana? Isang musika na walang kapantay. Paalam, Hajji. | via Allan Ortega | Photo via chosic.com

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *