Sam Milby, Kinumpirmang Hiwalay na kay Catriona Gray

Tuluyan nang tinuldukan ni Sam Milby ang matagal nang espekulasyon tungkol sa kanyang relasyon kay Catriona Gray, matapos niyang kumpirmahin ang kanilang paghihiwalay. Nilinaw rin niyang walang third party na dahilan sa kanilang breakup.

Sa isang panayam ng ABS-CBN News noong Pebrero 19, sinabi ni Milby na “okay” sila ni Gray at walang naging problema, ngunit inamin niyang hindi na sila magkasama. Mariin din niyang itinanggi ang mga tsismis na may kaugnayan si Moira Dela Torre sa kanilang paghihiwalay.

Dagdag niya, huwag basta maniwala sa mga balitang walang ebidensya. Samantala, hindi niya masabi kung may kaugnayan ang pag-iyak ni Gray sa isang concert sa kanilang breakup.

Matagal nang umugong ang espekulasyon sa kanilang relasyon, lalo na matapos burahin ni Gray ang kanilang engagement photos sa Instagram. Nakatakda sana silang ikasal noong 2024, ngunit kapwa sila nanatiling tahimik sa isyu—hanggang sa opisyal na kinumpirma ni Milby ang kanilang hiwalayan. via Allan Ortega / Photo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *