Pope Francis, pumanaw sa edad na 88

Isang araw matapos niyang sorpresahin ang mga deboto sa Saint Peter’s Square nitong Easter Sunday, pumanaw na si Pope Francis sa edad na 88, Lunes ng umaga, 7:35 a.m., ayon sa opisyal na pahayag ng Vatican.

“Minamahal kong mga kapatid, malungkot naming ibinabalita ang pagpanaw ng ating Mahal na Santo Papa Francis,” ayon kay Cardinal Kevin Farrell sa Telegram channel ng Vatican. “Bumalik na siya sa tahanan ng Ama.”

Nagbigay pa ng bendisyon si Pope Francis nitong Linggo sa kanyang “Urbi et Orbi” mula sa balkonahe ng Saint Peter’s Basilica—kahit kaho-hospital lang niya ng 38 days dulot ng matinding pulmonya. Dalawang beses na rin siyang muntik bawian ng buhay ngayong taon.

Matapang, matatag, at hanggang huli’y naglingkod sa simbahan. Paalam, Santo Papa. | via Allan Ortega | Photo via D8TV News

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *