9 sa admin slate pasok pa rin sa winning circle

Pasok pa rin sa Top 12 ang siyam na kandidato mula sa administration slate na Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, batay sa latest SWS survey na isinagawa mula Abril 11-15 at iniutos ng Stratbase Group.

Pinangungunahan ito ni Rep. Erwin Tulfo ng ACT-CIS na may 43%, pangalawa sa overall rankings. Sumunod si Sen. Lito Lapid (34%), habang tabla sa 4th-5th sina Sen. Pia Cayetano at ex-Senate Pres. Tito Sotto (parehong 33%).

Si Sen. Bong Revilla nasa 7th-8th spot (31%), habang Mayor Abby Binay umakyat sa 9th place (29%) mula sa dating 11th-13th. Si Camille Villar ng Las Piñas pumuwesto sa 10th (28%). Bumababa naman si Ping Lacson (11th, 26%) at Manny Pacquiao (12th, 25%).

Ayon kay Stratbase Pres. Dindo Manhit, malakas pa rin ang admin bets dahil sa name recall, media exposure, at network support. Dagdag pa rito ang mensaheng “tuloy-tuloy na serbisyo” na swak sa masa.

Sa oposisyon, Sen. Bong Go nangunguna sa lahat ng kandidato sa survey na may 45%. Pasok din si Sen. Bato dela Rosa (6th, 32%), habang bumaba si Ben Tulfo (31%), katabla ni Revilla sa 7th-8th. | via Allan Ortega | Photo via SWS infographic

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *