Maghahanda na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa inaasahang matinding trapiko sa Lunes, sa pamamagitan ng pagde-deploy ng 2,500 traffic enforcers sa buong Metro Manila.
Ayon kay Charlie Nosares ng MMDA Metrobase, wala pa naman silang na-monitor na mabigat na trapiko kahit may mga road repairs sa C-5 sa Pasig at Mindanao Avenue sa QC.
Nagsimula ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng road repairs mula April 16 ng alas-11 ng gabi hanggang April 21, alas-5 ng umaga.
Matatandaang noong nakaraang taon, libo-libong motorista ang naipit sa trapiko dahil sa mga hindi pa tapos na kalsada pagkatapos ng Holy Week break. Kaya paalala ng MMDA: magpasensya at magbigay-daan sa mga traffic enforcer—hindi sila kalaban, katuwang sila sa biyahe! | via Lorencris Siarez | Photo via primer.com.ph
#D8TVNews #D8TV