Todo-bantay ang mga pulis habang nagsisibalikan na sa Kamaynilaan ang mga nagbakasyon sa probinsya ngayong Holy Week!
Ayon kay NCRPO chief Maj. Gen. Anthony Aberin, tuloy-tuloy ang inspection at monitoring sa mga station, terminal, at matataong lugar. May mga assistance desks pa rin sa mga strategic areas, habang ang mga pulis ay visible sa mga lansangan.
“Handa ang NCRPO. Nasa kalsada kami para siguraduhing ligtas ang bawat biyahero,” ani Aberin. Hinikayat rin niya ang publiko na manatiling alerto at agad i-report ang anumang kahina-hinalang kilos sa mga hotline at police desks.
Sakop ng NCRPO ang mga distrito ng Manila, Quezon City, Northern, Southern, at Eastern. Matatandaang mahigit 65,000 pulis ang ipinakalat ng PNP sa buong bansa para tiyakin ang ligtas at tahimik na Semana Santa. | via Allan Ortega | Photo via PNA/Joan Bondoc
#D8TVNews #D8TV