Pope Francis lumitaw sa Pasko ng Pagkabuhay sa gitna ng masigabong palakpakan

Sa kabila ng kanyang mahinang kalusugan, lumabas si Pope Francis sa St. Peter’s Square nitong Linggo ng Pagkabuhay, sa harap ng humigit-kumulang 35,000 deboto. Sa edad na 88 at galing pa sa pneumonia, umupo siya sa kanyang wheelchair sa balkonahe ng Basilica at mahina pero masiglang nagsabi ng “Happy Easter!”

Bagama’t hindi siya nagsalita ng buong “Urbi et Orbi” blessing, ipinabasa niya ito sa isang kasamahan. Sa mensahe, kinondena niya ang lumalalang anti-Semitism at ang krisis sa Gaza, at iginiit na walang kapayapaan kung walang kalayaan sa relihiyon, pag-iisip, at pagpapahayag.

Nagulat ang lahat nang sumakay pa siya ng popemobile at umikot sa plaza, kahit halatang pagod siya. Bago ito, nagkita sila ni US Vice President JD Vance sa isang mabilisang Easter greeting.

Hindi malinaw kung lalahok siya sa mga Holy Week events, pero sa huli, pinatunayan ni Pope Francis ang kanyang tibay ng loob. Sa kabila ng kawalan ng lakas, nagpakita pa rin siya para ipadama ang pag-asa ngayong Pasko ng Pagkabuhay. | via Allan Ortega | Photo via AFP / Tiziana Fabi

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *