15 PDL sa Mindoro nagtapos sa Senior High School program ng DepEd ALS

Bilib na bilib ang madla matapos magtapos ang 15 Persons Deprived of Liberty (PDL) mula sa BJMP-San Jose District Jail sa Alternative Learning System (ALS) Senior High School program ng DepEd!

Ayon kay Jail Officer 3 Joefrie Anglo ng BJMP-Mimaropa, bahagi ito ng adbokasiya ng BJMP na bigyan ng bagong pag-asa at direksyon ang mga PDL sa pamamagitan ng edukasyon.
“Inspirasyon po sa amin ang ALS, para baguhin ang buhay namin,” ani pa ng isang babaeng graduate na puno ng emosyon.

Pinangunahan ni Acting Jail Warden Jail Senior Inspector Efren Olivar ang gawad-medalya sa mga natatanging estudyante na nagpamalas ng sipag at tiyaga.
Dagdag ni Olivar, nagbibigay pag-asa ang edukasyon sa mga PDL habang papalapit na sila sa paglaya.
Dumalo sa seremonya ang mga opisyal ng BJMP at DepEd, at tiniyak ang patuloy na suporta sa ALS program sa loob ng kulungan.

Ebidensya ito na habang may buhay, may pag-asa — kahit sa likod ng rehas! | via Lorencris Siarez | Photo via JO3 Joefrie Anglo

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *