Pinagbawal ang mga party sa Boracay tuwing Biyernes Santo

Ipinagbawal ng lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan ang mga maiingay na party sa Boracay tuwing Biyernes Santo. Base ito sa Memorandum Order 2025-33 ni Mayor Frolibar Bautista, alinsunod sa Sangguniang Bayan Resolution No. 015, Series of 2009.

Epektibo ang pagbabawal mula 6:00 AM ng Abril 18 (Biyernes Santo) hanggang 6:00 AM ng Abril 19 (Sabado de Gloria). Walang ibibigay na special permit para sa anumang party sa panahong ito.
Layunin ng kautusan na tiyakin ang mataimtim na paggunita ng Mahal na Araw. Inaasahang dadagsa ang libu-libong turista simula ngayon, lalo na sa Huwebes Santo. Noong nakaraang taon, umabot sa mahigit 13,000 ang dumating sa Boracay sa araw na iyon, mas mataas sa daily limit na 8,500 pero mas mababa pa rin kumpara sa 2023 na higit 16,000. | via Allan Ortega | Photo via Islands

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *