Taylor Swift, Itinanghal na Recording Artist of the Year sa Ikalimang Beses

Muling kinilala si Taylor Swift bilang biggest-selling recording artist of 2024, ayon sa International Federation of the Phonographic Industry (IFPI)—ang ikalimang beses niyang makuha ang prestihiyosong titulo.

Pinangunahan ni Swift ang Global Recording Artist Chart 2024, kasabay ng pagdomina sa Global Album Chart, Global Vinyl Album Chart, Global Streaming Album Chart, at Global Album Sales Chart sa pamamagitan ng kanyang album na The Tortured Poets Department.

Dahil sa tagumpay ng kanyang Eras Tour, muling naging patok ang kanyang mga lumang album, na karamihan ay napabilang sa Global Vinyl Chart. Ayon kay IFPI CEO Victoria Oakley, patuloy na lumalampas sa inaasahang tagumpay si Swift at nananatiling malapit sa kanyang mga tagahanga sa buong mundo.

Nauna nang nagwagi si Swift bilang Recording Artist of the Year noong 2014, 2019, 2022, at 2023, ang pinakamaraming beses sa kasaysayan ng parangal.

Pumangalawa sa listahan si Drake, habang nasa ikatlong pwesto naman ang K-pop group na SEVENTEEN. – via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *