Todo suporta ang Malacañang sa pagpapalawak ng Kadiwa ng Pangulo Program! Ayon sa Palasyo, asahang aabot na sa 1,500 tindahan ang Kadiwa sa buong bansa pagsapit ng 2028.
Sa press briefing nitong Lunes, sinabi ni PCO Usec. Claire Castro na game na game ang partnership ng Department of Agriculture at PHLPost para dalhin ang murang bilihin sa mas maraming lugar. Ang plano: mula sa 6 na post office, palalawakin ito sa 67 post offices sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao!
Bida rito ang mga mamimili at pati na rin ang mga empleyado ng post office, dahil gagamitin ang kanilang pasilidad para sa Kadiwa stores. Mas sariwa, mas abot-kaya ang mga produkto—direkta mula sa mga magsasaka!
“Malaking tulong ‘to sa komunidad,” ani Castro. Abang-abang na sa Kadiwa sa inyong lugar! | via Lorencris Siarez | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV