Mainit na pag gunita sa Semana Santa

Tradisyon na ng mga namamanata ang bumisita sa iba’t ibang lugar ng pananampalataya, narito ang ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) para sa buong Semana Santa.


Metro Manila: Mainit at maaraw ang panahon buong linggo, na may temperature na umaabot hanggang 37°C. Mababa ang tsansa ng ulan.
Tagaytay: Medyo mas malamig pero maulap at may panaka-nakang pag-ulan, lalo na sa hapon. Temperatura mula 33°C hanggang 36°C, at may hanggang 47% na posibilidad ng ulan sa ilang araw.
Baguio: Karaniwang maulap at malamig, na may madalas na pag-ulan o thunderstorm sa hapon. Temperatura mula 17°C hanggang 27°C.
Boracay: Mainit, maalinsangan, at maulan, lalo na sa gitna ng linggo. Temperatura nasa 31°C–32°C at mataas ang halumigmig, na may hanggang 62% na tsansa ng ulan.
Cebu: Mainit at maulan sa halos buong linggo. Inaasahan ang pag-ulan tuwing hapon at temperatura na nasa 32°C–33°C.


Ayon sa PAGASA, may 19 na lugar na posibleng makaranas ng mapanganib na heat index na aabot sa 42°C o mas mataas, kaya’t mag-ingat, uminom ng maraming tubig, at iwasang magbabad sa ilalim ng araw lalo na sa tanghali. Muling nagpapaalala naman ang DOH na laging uminom ng maraming tubig, magdala ng panangga sa araw, magsuot ng maluwag na damit at kung makaranas ng sintomas ng Heat Stroke ay agarang pumunta sa malamig na lugar at magpahinga. | via Dee Zand’te | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *