Inaasahan ng North Luzon Expressway (NLEX) Corporation ang pagtaas ng bilang ng mga sasakyang dumaraan sa kanilang expressway ngayong Semana Santa na maaaring umabot hanggang 385,000 kada araw. Ito ay 10% na mas mataas kumpara sa karaniwang daloy ng trapiko, dulot ng pagdagsa ng mga biyaherong patungong probinsya para sa Semana Santa.
Bilang tugon, inilunsad ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) ang “Biyaheng Arangkada” motorist assistance program para masiguro ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga motorista. Kabilang sa mga serbisyong inihahandog ng programa ang libreng towing para sa Class 1 vehicles sa mga piling lugar, karagdagang toll personnel, at 24/7 na motorist assistance.
Pinapayuhan ang mga motorista na iwasan ang peak hours, partikular na sa Miyerkules Santo at Huwebes Santo, upang maiwasan ang matinding trapiko. Inaasahan ang mas magaan na daloy ng sasakyan sa mga oras na hindi karaniwang matao. Para sa karagdagang impormasyon at real-time na updates sa trapiko, maaaring bisitahin ang opisyal na Facebook page ng NLEX Corporation. | via Dee Zand’te | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV