P4 na rollback sa presyo ng petrolyo biyaya para sa mga kakabayan

Inaasahan ng mga motorista ang malaking rollback sa presyo ng produktong petrolyo ngayong Semana Santa na may bawas na halos ₱4 kada litro sa gasolina simula Martes, April 15. Ayon sa mga kumpanya ng langis, bababa ang presyo ng gasolina ng ₱3.60 kada litro, habang ang diesel ay bababa ng ₱2.90 at kerosene ng ₱3.30 kada litro.


Ayon kay Rodela Romero, assistant director ng DOE-Oil Industry Management Bureau, ang pagbaba ng presyo ay dulot ng tumitinding tensyon sa kalakalan sa pagitan ng Estados Unidos at Tsina, na nagdulot ng pangamba sa recession at pagbaba ng demand sa krudo. Dagdag pa rito, ang desisyon ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na dagdagan ang produksyon ng langis ay nakaapekto rin sa pagbaba ng presyo.


Ang inaasahang rollback ay isang magandang balita para sa mga biyahero ngayong Semana Santa, lalo na sa mga maglalakbay sa mga probinsya. Ang mga opisyal na anunsyo ng presyo ay inaasahang ilalabas ng mga kumpanya ng langis sa Lunes ng gabi. | via Dan Miranda | Photo via graff.com

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *