Optimistic si BSP Governor Eli Remolona na makakatulong ang bagong interest rate cut sa pagbangon ng ekonomiya. Bumaba ng 25 basis points ang key interest rate, ngayon nasa 5.5% na lang. Layunin nito na paliitin ang negative output gap— ang agwat sa pagitan ng actual at full potential ng ekonomiya.
Ayon sa BSP, kahit mahina pa ang consumer demand, inaasahang makakatulong ang mas murang pautang para pasiglahin ang konsumo at investments. Dagdag pa diyan, ang mga minimum wage hike sa 16 na rehiyon na posibleng magpalakas sa suweldo’t paggastos.
Malalaking bangko, pati digital at thrift banks, binawasan din ang reserve requirement— ibig sabihin, mas maraming perang pwedeng ipautang. Target ng gobyerno: 6-8% GDP growth sa 2025. Last year, tayo ay nasa 5.7% lamang.
Nag-uunahan ang mga eksperto sa forecast ng interest rate cuts. DBS at HSBC ay nakikitang aabot pa sa 50 bps ang bawas bago matapos ang taon. Ang iba, gaya ng Pantheon at UOB, mas agresibo— hanggang 75 bps daw!
Pero may babala: delikado pa rin ang global trade war, lalo na’t may banta ng bagong US tariffs. Kaya ang BSP, dahan-dahan lang muna. | via Allan Ortega | Photo via theasianaffairs.com
#D8TVNews #D8TV