EDSA rehabilitation ipagpapaliban muna ng DPWH

Pinagpaliban muna ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang rehabilitation upang bigyan daan ang Semana Santa at Midterm Election na dapat magsisimula na ngayong April upang maibsan ang trapik sa mga kalsada kaya pinagpaliban muna ito ng ahensya.


Ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan, nagkakahalaga ang proyekto ng higit sa P16 bilyon at aasahang matapos ang rehabilitation ng 2027 para tuluyang ma-restore ang EDSA. Pinagbigay-alam din ng ahensya na hindi titigil ang operasyon ng EDSA busway habang nagpapatuloy ang rehabilitation.


Ayon naman kay Transportation Secretary Vince Dizon, maaaring malaki ang maging epekto ng rehabilitasyon sa trapiko, ngunit binigyang-diin niya ang kahalagahan ng coordinated na pagkilos ng mga lokal na tanggapan upang mapangasiwaan ang pagsisikip ng daloy at matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero. | via Dann Miranda | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *