Bineto ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang panukalang batas na nagbibigay ng pagkamamamayang Pilipino sa kontrobersyal na Chinese national na si Li Duan Wang, ayon sa Malacañang nitong Biyernes.
Noong January, pinasa ng Senado ang House Bill 8839 na layong gawing naturalized Filipino si Li. 19 senador ang pabor, 1 lang ang tumutol si Senadora Risa Hontiveros, na iginiit na may kaugnayan umano si Li sa mga ilegal na operasyon ng POGOs (Philippine Offshore Gaming Operators).
Pero depensa nina Sen. Sherwin Gatchalian at JV Ejercito, dumaan daw si Li sa masusing background check at walang ebidensyang konektado ito sa POGOs. Giit pa ni Gatchalian, “Walang matibay na pruweba laban kay Li!”
Sa kabilang banda, bineto rin ng Pangulo ang mga panukalang amyenda sa Baguio City Charter. Wala pa ring inilalabas na kopya ng opisyal na veto message mula sa Malacañang. | via Lorencris Siarez | Photo via PCO
#D8TVNews #D8TV