Nagdeklara ng class suspension ang ilang lokal na pamahalaan ngayong Biyernes, April 11, dahil sa matinding init ng panahon ayon sa PAGASA. Umabot na sa “delikado” ang heat index sa ilang parte ng bansa!
Walang Pasok
- Quezon City – Lahat ng pampublikong paaralan mula Kinder hanggang Grade 12, kasama ang ALS at CDC.
- Bacoor, Cavite – Lahat ng antas sa pampublikong paaralan.
- Isabela City – Pampubliko’t pribadong paaralan mula elementarya hanggang sekondarya.
May klase pa rin pero online o modular ang ipinatupad na sistema para tuloy-tuloy ang pag-aaral kahit walang face-to-face.
Delikadong Init, Ayon sa PAGASA: - Sangley Point, Cavite – 44°C
- Dagupan City – 43°C
- Tayabas, Quezon / Roxas City / Dumangas, Iloilo – 42°C
- Metro Manila – 38°C–40°C
Babala ng PAGASA: Kapag lampas 42°C na ang init, posible na ang heat stroke sa matagal na pagkakabilad sa araw.
Opisyal nang nagsimula ang tag-init nitong March 26, kaya mag-ingat, uminom ng maraming tubig at iwasang magbilad sa araw! | via Lorencris Siarez | Photo via D8TV News
#D8TVNews #D8TV